Buod ng Harry Potter at ang Philosopher's Stone (Tagalog) Ipinagdiriwang ng mga salamangkero o mga wizards ang pagkawala ng masama at makapangyarihang salamangkero na si Lord Voldemort simula nung gabing sinubukan nitong patayin ang sanggol na si Harry Potter, ngunit sa hindi maipaliwag na dahilan, ay hindi tumabla ang 'Avada Kedavra o killing curse' sa sanggol at sa halip sa kanya tumama ang binitawang sumpa na nagdulot ng pagkaalis ng kanyang kapangyarihan. Dahil dito, tinagurian si Harry Potter bilang 'Ang batang lalaki na nabuhay' at nagkamit ito ng hugis 'lightning-bolt' sa noo ni Harry. Sa kasamang palad ay naiwang ulila si Harry dahil sa pinatay ni Voldemort ang kaniyang mga magulang. At hinabilin at iniwan si Harry sa poder ng natitira nitong kadugo , ang pamilyang Dursley, sa pasya ni Professor Dumbledore, punong-guro ng Hogwarts school. Subalit hindi naging maganda ang trato ng Dursley sa kanya. Isa...