Buod ng Harry Potter at ang Philosopher's Stone (Tagalog) 

 


       Ipinagdiriwang ng mga salamangkero o mga wizards ang pagkawala ng masama at makapangyarihang salamangkero na si Lord Voldemort simula nung gabing sinubukan nitong patayin ang sanggol na si Harry Potter, ngunit sa hindi maipaliwag na dahilan, ay hindi tumabla ang 'Avada Kedavra o killing curse' sa sanggol at sa halip sa kanya tumama ang binitawang sumpa na nagdulot ng pagkaalis ng kanyang kapangyarihan. Dahil dito, tinagurian si Harry Potter bilang 'Ang batang lalaki na nabuhay' at nagkamit ito ng hugis 'lightning-bolt' sa noo ni Harry. Sa kasamang palad ay naiwang ulila si Harry dahil sa pinatay ni Voldemort ang kaniyang mga magulang.  At hinabilin at iniwan si Harry sa poder ng natitira nitong kadugo , ang pamilyang Dursley, sa pasya ni Professor Dumbledore, punong-guro ng Hogwarts school.
      Subalit hindi naging maganda ang trato ng Dursley sa kanya. Isa na rito ang pambubully sa kanya ng kaniyang pinsan na si Dudley. Ngunit, nagbago ang kanyang buhay nang makatanggap siya ng liham mula sa Hogwarts: School ng Witchcraft at Wizardry. Subalit hindi pinayagan nina Mr and Mrs. Dursley na mabasa ni Harry ang mga sulat kaya pinunit at sinunog ang mga ito. Nang isang gabi, binisita sila ng isang higante na nagngangalang Hagrid, tagabantay sa Hogwarts at ipinaalam lahat kay Harry na isa siyang salamangkero, anak nina Lily at James Potter, na namatay sa kamay ni Voldemort.
      Alam ni Harry na may kakaiba sa kanya dahil isang insidente sa zoo na kung saan nagawa niyang makipag-usap sa ahas na hindi nagagawa ng ibang normal na tao. Sumama si Harry kay Hagrid papuntang Diagon Alley,  kung saan tanging mga salamangkero lamang ang nakakaalam, at doon ay nagulat siya nang matuklasan niya kung gaano siya kasikat sa mundo ng mga salamangkero. Pumunta sila  sa Gringotts, tawag sa kanilang banko na pinapatakbo ng mga goblin. Gamit ang kayamanang naiwan sa kanya ng kaniyang mga magulang, nakabili siya ng mga gamit sa skul na may mahika at nakakuha rin siya ng kuwago na pinangalanan niyang si Hedwig at isang wand. Nakakapagtaka lamang na ang wand na napunta sa kanya ay ang brother wand na ginamit sa pagpatay sa kaniyang mga magulang at nagbigay ng marka sa kanyang noo.
     Pagkatapos, dala ang bagong mga kagamitan ay nagpunta na si harry papuntang hogwarts. Sa pagpunta, nakilala niya ang pamilya Weasley - pureblooded na salamangkero tumulong sa kanya na  makarating sa platform 9 3/4 (mahikang pader). Sa tren papuntang hogwarts, naging kaibigan niya ang isa sa Weasley na si Ron Weasley at nakilala si Hermione Granger bilang, isang babaeng know-it-all, na naging sanhi ng hindi pagkagusto rito nung una. Samantala, nagkaroon ng bagong kaaway si Harry Potter sa unang taon, si Draco Malfoy, na nagpakita ng pangmamaliliit at panlalait sa pamilya ng kaibigan nitong si Weasley at may pakahawig sa ugali ng kanyang bulling pinsan na si Dudley.
       Pagdating sa Hogwarts, ay kinakailangan nilang maitalaga sa bahay na nararapat at nababagay sa kanilang karakter at personalidad. Sa pamamagitan ng sorting hat, isang mahikang sumbrero na nakakabasa ng isip ng taong magsusuot nito at nagsasabi kung saan sa apat na bahay sila dapat mapabilang - sa Gryffindor (matatapang at magigiting), Slytherin (gagawin kahit anong paraan upang magwagi) ) , Ravenclaw (matatalas ang isip) , at Hufflepuff (tapat at makatarungan). Si Harry, Ron at Hermione ay napunta sa Gryffindor habang si Draco naman ay nasa Slytherin tulad ng kanyang pamilya bago sa kanya. Naibahagi ni Ron kay Harry na ang Slytherin ay ang bahay ng masasamang salamangkero tulad ni Lord Voldemort.
    Sa pagpasok sa iba't ibang klase, natuklasan ni Harry na may tagalay siyang galing sa paglipad o 'broom-flying' kahit walang karanasan kaya naman inirekomenda siya ni Professor McGonagall na maging seeker sa larong quidditch (isang kompetisyon na nilalaro sa ere o hangin at may magpakahawig sa basketball at soccer). Samantala, sa klase ng Potions ay hindi niya nagugustuhan ang guro rito na si Professor Snape na siya ring pinuno ng slytherin at laging pumapabor kay draco malfoy. Isang araw ay hinamon ni Malfoy sina Harry at Ron sa isang dueling, paraan ng pakikipaglaban gamit ang wand lamang, sa hattinggabi. Ngunit sila'y naloko nito nang hindi ito sinipot at paraan upang maisumbong dahil mahigpit na ipinagbabawal ang paggagala sa gabi. Napilitan namang sumama si Hermione sa pagtatangkang pigilan ang mga ito. Dahil dito, napadpad sila pinagbabawal na koridor kung saan nakakita sila ng aso na may malalaking tatlong ulong nagbabantay sa isang trap door.



     Dahil sa nakita ay nakuryos ang tatlo sa kung ano ang binabantayn niyo. Samantala, nakatanggap ng regalo si Harry Potter ng inivisibility cloak nung Christmas. Kung saan ginamit niya upang gumala sa gabi nang hindi nakikita at dahilan ng pagkatuklas niya ng Mirror of Erised, kung saan nakikita ng taong nagsasalamin ang pinakagusto nito. Kaya naman nahumaling si Harry dito sapagkat nakikita niya ang mga magulang niya sa salaming ito. 
     Nang dumaan naman ang halloween ay nailigtas ng dalawa si Hermione mula sa isang nakapasok na troll na naging simula ng malapit nilang pagkakaibigan. Samantala, sa nangayaring quidditch match kung saan naglaro si harry bilang seeker ay nadisgrasya ito sa dahilang hindi nito makontrol ang paglipad. Naghinala ang tatlo na kagagawan ito ni Prof. Snape.  
        Sa patuloy nilang pag-iimbestiga sa nakita mula sa pinagbabawal na koridor ay nalaman nila mula kay Hagrid, na nadulas lamang dahil sa kakulitan ng tatlo, na may kaugnayan ito kay Nicolas Flamel. Dahil sa hilig sa pagbabasa ni Hermione ay nalaman niyang si Flamel ang nakaimbento ng 'Philosopher's stone' kung saan kayang gawing immortal ang nagmamay-ari ng bato at gawing ginto lahat ng bakal. At nalaman nila na ito ang nasa trapdoor at pinaghihinalaan si Professor Snape na nais nakawin ang batong ito.

         Dumaan ang tatlo sa ibat ibang hamon na nagpakita ng galing ng tatlo. Ang paglalaro ng real-life-chess wizard na naipanalo ni Ron. Kaalaman ni Hermione sa mga spells at galing ni Harry sa paglipad. Sa dulo ay nalaman ni Harry na si Professor Quirell ang nasa likod ng lahat, ang nagtangkang pumatay sa kanya noong quidditch at magnanakaw ng philosopher's stone samantalang si Prof. Snape naman ang patagong tumutulong kay Harry. Nalaman din niya na kaya nagsusuot ng balabal si Prof. Quirrell dahil nasa likod nito ang mukha ni Voldemort at ang totoong nagnanais makuha ang bato upang maibalik ang dating katawan at lakas. Ngunit nang agawin nito kay Harry ang bato ay nasunog ang balat nito at kasabay nun ang pagsakit ng noo ni Harry.
        Nagising si Harry sa isang klinika sa Hogwarts at dito'y ipinaliwanag ni Professor Dumbledore ang kaligtasan nito mula kay Voldemort ay dahil sa pagsasakripisyo ng buhay ng kaniyang ina para sa kaniya na nagiwan ng  malakas na protective charm na nabubuhay sa kanyang dugo, dahil dito nasunog si Quirell na napupuno ng galit at kasakiman. Ito rin ang dahilan kung bakit mas ligtas si Harry sa poder ng kadugo nito. Sinabi rin niya na namatay na si proffesor Quirell dahil katawan nito ang nasunog, samantalang buhay si Voldemort at nagtatago, at ang bato ay tuluyang nang sinira. Siya rin ang nagbigay ng invisibility cloak kay Harry. Samantala, bumalik si Harry sa poder ng Dursley para sa bakasyon at naisip na takutin ang pinsang si Dudley sa mga mahikang natutunan.

Comments